Biyahe ni Drew: May Ganon sa Hong Kong!
BIYAHE NI DREW: MAY GANON SA HONG KONG
Sunday, May 10, 2026
6:15 PM GTV
Akala nang marami, puro mall at matatangkad na gusali lang ang Hong Kong. Pero mayroon palang natatagong ganda ang bansang ito na perfect para sa nature-lovers at foodies!


Maniniwala ba kayo na may iba’t ibang water activities sa Hong Kong? Sa Sai Kung area, lilibutin ni Biyahero Drew ang mga isla at dam reservoir dito. Titikman din niya ang dambuhalang King Crab, ang malinamnam na slipper lobster, at ang kakaibang stonefish.





Puwede ring mag-nature trip sa gitna ng lungsod. Libreng hike naman ang susubukan ni Biyahero Drew sa Braemar Hill. Isang madaling akyat na kayang-kaya ng lahat ng klaseng biyahero!


Kahit malayo sa Pinas, hindi mo na kailangang hanap-hanapin ang lutong Pinoy. Sa gitna ng abalang mga kalsada ng Central area, may nakatagong kainang naghahain ng authentic na pagkaing Pinoy.


Isang sorpresa talaga ang Hong Kong dahil sa bawat kanto, may bago at kakaibang karanasang naghihintay. Sumama na sa Biyahe ni Drew sa pagtuklas ng kakaibang ganda ng Hong Kong ngayong Linggo, 6:15PM sa GTV!