ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Isang Pinay English Teacher sa Thailand, hahandugan ng 'Day Off!'


 


DAY OFF GOES TO THAILAND!

Para sa ika-labing isang taong Anibersaryo ng Day Off, isang huwarang Pinay English Teacher na nakikipagsapalaran sa Thailand ang bibigyan ng katuparang makapagpahinga at makasama ang kaniyang pamilya sa isang buong araw na pamamasyal.

Anim na taon nang nagtuturo si Eunice Novio-Cordova sa Vongchavalitkul University sa Korat, Thailand. Bukod sa pagiging English Teacher, may iba pang raket si Eunice gaya ng pagiging researcher sa university, pagsusulat sa dyaryo, at pagtulong sa kapwa OFW sa isang non-government organization.

Pero sa dinami-rami ng kaniyang dapat gampanan, may trabaho raw siyang nami-miss-- ang pagiging isang ina. Hindi raw biro ang mawalay sa anak pero tinitiis niya ito para mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

 


Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Eunice sa isang matinding prank na gagawin sa kanya? At sa dulo ng prank, sosorpresahin siya sa pagdating ng anak na si Kitty na matagal na niyang hindi nakakasama.

 


Isang di malilimutang pamamasyal sa Bangkok, Thailand ang naghihintay sa kanila. Kasama si Dasuri Choi, itotodo ang bonding ng mag-ina sa iba't ibang atraksyon gaya ng Wat Pho Temple, Wat Inn Temple, Floating Market at Elephant Village.

Dahil hindi makauuwi ng Pilipinas si Eunice sa debut ng anak na si Kitty, isang advance Christmas gift at 18th Birthday celebration ni Kitty ang magaganap sa isang grand river cruise. Makabawi na kaya si Eunice sa kaniyang dalagita sa araw ng kaniyang day off?

 


Samantala, ang Day Off katropa na si Janine Gutierrez ang bahala sa mga estudyante ni Eunice. Susubukan ni Janine ang traditional at virtual teaching methods na ginagamit sa Thailand para maturuan ang mga estudyante ni Eunice.

Papasa kaya ang teaching and English skills ni Janine sa Thai students?

Maniwala sa magic ng Pasko sa 11th Anniversary special ng Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!