Avocado cake baker, bibigyan ng 'Day Off!'
DAY OFF
Avocado Cake
Bagong taon na kaya bagong goals na naman ang kailangan nating i-achieve! Kung healthy lifestyle ang nangunguna sa listahan ng inyong New Year's resolution, may sweet treat ang ating Day Off winner na si Rose Lasconia—ang AVOCADO CAKE! Mayaman sa nutrisyon ang prutas na ito at hindi lang shake ang puwedeng gawin sa avocado! Anim na taon na bilang baker si Rose sa Lia's Cakes na kilala sa kanilang avocado cake, avocado cheesecake, avocado sansrival, avocado bars and cupcakes.
Bukod sa avocado cakes, ipinagmamalaki rin ng bakeshop si Rose dahil sa sipag at tiyaga nito sa trabaho. In demand sa buong taon ang kanilang best seller na avocado cake kaya naman wala halos pahinga ang kanilang mga baker. Kaya para matuloy lamang ang inaasam na pahinga, tutulong na kay Rose sa paggawa ng cake ang ating katropang sina Dasuri Choi at Maey Bautista. Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Rose kung ang kaniyang iniidolong reporter at news anchor na si Kara David ang umorder sa kaniya ng cake?
Hindi na nga raw nakapag-asawa si Rose dahil ibinuhos na lang niya ang oras sa pagtatrabaho para sa pamilya. Paminsan-minsan na nga lang niya nabibisita ang kaniyang ina at paboritong pamangkin sa Laguna. Sa day off ni Rose, makakasama niya sila sa isang hindi malilimutang bakasyon sa Batangas.
Anu-ano pa kaya ang mga surpresa na naghihintay kay Rose para maging bongga ang 2017 niya?
Sagot na ng Day Off ang inyong healthy dessert ngayong Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!