ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Chick sexer, bibigyan ng bonggang 'Day Off'


 


Daddy's girl daw ang ating Day Off winner na si Angel Benitez. Sa sobrang closeness nila, pati ang hilig ng ama sa pag-aalaga ng mga panabong na manok ay namana niya! Kaya kahit tapos ng Architecture, pag-aalaga at pagbebenta ng panabong na manok ang negosyo ni Angel ngayon. Pero ang pinaka-kakaiba sa kanyang trabaho ay ang chick sexing kung saan inaalam niya ang kasarian ng mga sisiw pagkapanganak nito.

Nakaka-curious ang trabaho ng ating Day Off winner kaya naman game na game pa rin sina Janine Gutierrez at Ken Chan na subukan ito! Magsisimula ang kanilang pagsabak sa trabaho ni Angel sa panghuhuli sa mga sisiw.  Ilan kaya ang mahuhuli nila sa nagkalat na isang daan na sisiw? Siyempre, magpapaturo ang dalawang hosts sa pagsuri sa kasarian ng mga one-day-old chick. Paano nga ba ito? 

Samantala, sa espesyal na day off ni Angel, sasamahan siya ni Dasuri Choi na makapag-quality time kasama ang kaniyang kaisa-isang anak na si Rafa. Sa araw na ito, lalayo muna sila sa mga manok at sisiw at mag-re-relax sa isang hotel na may magandang swimming pool at view ng Maynila. Pati sa pagkain, time out muna sila sa manok dahil ibang masasarap na putahe ang ihahain para sa kanila. At bukod dito, meron ding sorpresang regalo ang Day Off para sa mag-ina. Abangan ‘yan!

Tara na’t mag-relax at manood ng Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM sa GMA News TV!