ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga bagong bayani ng bansa, paparangalan sa 'Day Off!'


Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, kilalanin ang mga bagong bayani na simple man ang trabaho, todo naman ang pagbibigay serbisyo at paglilingkod sa bayan. Wala naman silang super powers pero nandito sila to save the day. Sinu-sino nga ba sila?
 

Sina FO3 Charles Gayagay, FO1 Romeo Juntilla at FO1 Dennes Magsayo ay ang mga magigiting na bumbero na hindi lang nagpakita ng katapangan sa pag-apula ng apoy kundi pati na rin sa pagsagip sa isang kapwang nasa gitna ng peligro. Nandiyan rin ang pulis na si Chief John Guiagui. Bukod sa misyong labanan ang krimen sa komunidad, may iba pang adhikain si hepe. Ito ay ang pagpapakain ng lugaw sa street children sa Quiapo tuwing Biyernes.

Present na present din si Ma’am Shalimar Tamayao na sa halip na sa ordinaryong eskwelahan magturo, sa bilangguan siya nagsisilbi bilang guro. Naatasan siyang magbigay ng kaalaman hindi lang sa persons deprived of liberty kundi pati na rin sa mga out-of-school-youth sa barangay at lansangan ng Navotas. Makikilala rin natin ang mga bayaning taga-sagip sa kalikasan. Sila ang basurerong si Emmanuel Romano at ang estero cleaner na si Bong Vilches. Baliwala sa kanila ang dumi at mabahong amoy, basta't magawa nila ang marangal na trabahong ipinagkaloob sa kanila.

Kapalit ng kanilang dedikasyon at serbisyo ay isang bonggang pahinga. Anu-ano kayang rewards ang kanilang matatanggap dahil sa kabayanihang ipinakita sa napiling propesyon?

Saludo ang buong tropa sa mga manggagawang Pinoy na patuloy sa pagsusumikap para sa pamilya at sa bayan. Bigyang pugay sila ngayong Sabado sa Day Off, 6:15 PM, sa GMA News TV!