ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magtataho, bibigyan ng 'Day Off!'


 

 

Taho na iba’t iba ang flavors? ‘Yan ang nagpasikat sa Day Off winner nating si Marlon Lansang ng Mendiola, Manila!

Dinudumog siya ng mga tao dahil sa mura at masarap daw niyang taho na lasang mango graham, strawberry, caramel popcorn, leche flan, banana sundae at buko pandan!

Bukod sa diskarteng maka-imbento ng iba’t ibang taho, kahanga-hanga rin ang kasipagan ni Marlon sa trabaho. Kahit hindi na niya naigagalaw ang kaliwa niyang kamay at paa, nagagawa pa rin niyang magpursige para maitaguyod ang asawa at apat na anak.

Kaya para sa day off niya, sina Janine Gutierrez at Maey Bautista muna ang magbebenta ng taho sa Mendiola. Pero bago magbenta, mag-uunahan muna ang dalawa sa pagbili ng main ingredient ng taho na soya. Sunod, ma-achieve kaya nila ang tamang timpla ng flavored taho ni Marlon?

Samantala, si Jason Francisco naman ang sasama sa bonggang getaway ni Marlon sa San Juan, Batangas. Sa isang exclusive rest house magaganap ang bonding moment ng buong pamilya! Solong solo nila ang villa, pool, jacuzzi at beach. Ang kanilang pagkain, ihahanda ng isang top chef --- sosyal!

Abangan ang lahat ng ito sa Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV!