#RitKen, magkasamang mag-da-'Day Off!'

Humanda na kayo sa isang hot na hot na episode ng Day Off ngayong April 27!
Magpapasiklaban sa galing ang mga kababayan nating nag-trending sa social media dahil sa kanilang sipag at diskarte sa hanapbuhay.
Magsasama-sama sa kakaibang summer camp ng Day Off ang “Funny Daddy Beki” na si Fercival Lumampao, “Iskultor ng Marikina” na si Rolando Magboo, “Teacher-Artist ng Laguna” na si Roselyn Barcoma, “Maleta-lentadong Salesman” na si Christian Tecson, “Fishball King” na si Angel Llanera, Jr., at ang “Konduktor Bae” na si Reynaldo Pichay!
Makakasama naman ni Ken Chan sa special episode na ito ang co-star niya sa My Special Tatay na si Rita Daniela.
Presko at relaxing ang ambience sa Bulacan resort na lokasyon ng Camp Day Off pero magiging mainit at intense naman ang labanan ng Day Off campers.
Mula sa simpleng pagpupuno ng timba hanggang sa pagsisid sa swimming pool, iba’t-ibang games and challenges na may tubig ang kanilang haharapin! At mula anim, unti-unti silang mababawasan hanggang sa isa na lang ang matira para tanghaling Camp Day Off winner!
Ano kaya ang gagawing diskarte ng mga kasali? Ano kayang premyo ang matatanggap ng magwawagi?
Abangan sa special summer episode ng Day Off ngayong Sabado, 6:15 PM, sa GMA News TV!