ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang Pinakabata, handog ng 'Front Row'


FRONT ROW presents "ANG PINAKABATA" May 26, 2012, 8:40 pm   Ilang linggo pa lamang mula nang ipagdiwang ni "Camille", hindi niya tunay na pangalan, ang kanyang ika-labing dalawang kaarawan. Dose anyos lamang si "Camille" pero kung pakikinggan ang kanyang pananalita, hindi aakalaing sa kanya nagmumula ang matatapang at pursigidong paniniwala. Bukod kasi sa mga kakaibang hilig ni "Camille" tulad ng photography at pagiging consistent honor student at lider sa kanilang simbahan, matindi na ang pinagdaanan ng bata. Sa edad na walong taong gulang, ginahasa siya ng kanyang tunay na ama. Sa edad na siyam, nagbunga ang ginawang pang-aabuso sa kanya at ipinagbuntis niya ang kanyang panganay na anak. Sa edad na sampu, siya ay naging ganap na ina, isa sa pinakabata sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi naging madali ang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan ni "Camille". Sa ngayon, siya ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development. Ang kanyang anak naman, ipinaubaya niya sa pamahalaan para ipa-ampon sa ibang pamilya na sa kanyang paniniwala ay mas makapangangalaga at makapagbibigay ng mga pangangailangan ng anak.