ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Pundido', handog ng Front Row
Inihahandog ng FRONT ROW: PUNDIDO July 28, 2012, 8:40 PM sa GMA News TV E-waste o electronic waste ang tawag sa mga itinapong basurang elektroniko na dapat sana ay nireresiklo o 'di kaya'y itinatapon nang maayos sa isang bahagi ng landfill na itinalaga para sa mga ganitong uri ng basura. Pero sa halip na siguruhin ang ganitong delikadong basura, sa Pilipinas madalas na humahalo ito sa karaniwang basura na kinakalal ng mahihirap na mga Pilipino. Si Jessie Manadong, dose anyos, nagsimulang kumuha ng kalakal noong siya ay pitong taong gulang. Pero sa halip na plastik o lata ang kanyang pinupulot ang karaniwan niyang kinakalakal ay mga pundidong fluorescent bulb at iba pang electronic waste. Ganito rin ang hanapbuhay ng magkapatid na Abigail,10 taong gulang at Angelica,12 taong gulang. Binabasag nila ang bombilya para makuha ang katiting na wire na nasa loob nito. Hindi iniininda ang panganib na banta ng mga nakalalasong kemikal na nasa sirang fluorescent bulb. Sundan ang kanilang kuwento sa dokumentaryong "Pundido" ng Front Row, July 28, 8:40pm sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular