Silipin ang buhay sa 'Kaharian' ng Gaspar Island, Marinduque
Isa sa tatlong bumubuo sa Tres Reyes Islands sa Marinduque ang Gaspar Island. Hango sa isa sa mga Tatlong Hari – sina Melchor, Gaspar at Baltazar. Pero ang islang ito, malayo para matawag na kaharian.
Sa kabila ng kaaya-ayang tanawin at malinis na karagatan, ang mga residente rito, dumadaan sa iba’t ibang kalbaryo para maitawid ang pang-araw-araw na buhay. Araw-araw, sila ay nakikipagsapalaran sa dagat upang makapamuhay at makakain ng maayos. Dagat din ang kailangang lakbayin ng mga tao para mapatid ang kanilang uhaw sa malinis na tubig. Suwerteng may eskwelahang pang-elementarya sa isla. Pero ang mga nasa high school at kolehiyo, dagat muli ang tatawirin para makapasok sa paaralan.
Sa kabila ng mga ito, nananatiling determinado at pursigido ang komunidad ng Gaspar, para maibigay sa pamilya ang maayos na buhay at magandang bukas.
Ngayong Sabado, June 22 sa Front Row, tunghayan ang buhay ng mga simpleng tao sa isla ng Gaspar, 9:45pm sa GMA News TV Channel 11.