ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kilalanin ang mga batang rapper mula Davao sa 'Abel,' handog ng 'Front Row'


Front Row: 'Abel'
Airing Date: October 5, 2013
9:45 PM sa GMA News TV
 
Sa sarili nilang musika, nabibigyang katuparan ang kanilang mga pangarap. Sa tabing dagat ng Davao, kilala sila bilang mga batang rapper at sa musika tila nagkaroon ng ibang kahulugan ang kanilang buhay.
 

Sa unang tingin, maamo ang mukha at malumanay magsalita si Abel, 11 taong gulang. Sa tabing-dagat din siya iniwan ng ama. Walang tirahan, araw-gabi kung gumala si Abel sa kalsada kasama ang kanyang mga kaibigan. Upang maitawid ang sarili mula sa gutom, siya ay namamasura, nanlilimos, at nagra-rap. Sa piling ng kanyang pangkat, namulat si Abel sa mga makamundong kalakaran. Pero tinitingala si Abel ng kanyang pangkat, kuya nga ang turing sa kanya. Dahil sa kanya, naimpluwensiyahan ang iba para maging mahilig sa rap at musika. Si Dodong, 14 taong gulang, nagkaroon ng pagkakataong matupad ang pangarap na maging propesyunal na rapper. Sa tulong ng may-ari ng isang restawran sa tabing-dagat, ngayo’y humahataw na siya kasama ang barkada sa entablado.
 
Sundan ang pagbabagong-loob ng mga batang rapper ng Davao sa dokumentaryong “Abel” ngayong Sabado, October 5, 2013 sa Front Row 9:45 PM sa GMA News TV Channel 11.
Tags: frontrow, plug