ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sundan sa 'Front Row' ang paghahatid kay Cheryl sa huling 'Hantungan'


November 9, 2013
9:45 PM



Kung magastos ang mabuhay, mahal din ang mamatay. At para sa mga hikahos sa buhay, isang malaking hamon kung paano mabibigyan ng disenteng libing ang namayapang kaanak.

Noong nakaraang buwan, isang malagim na trahedya ang hindi inaasahang mangyari ng pamilya Dacillo. Binaril ang disi-otso anyos na anak na si Cheryl ng lalaking textmate na nakilala niya sa isang social networking site. Matapos ang isang araw na pamamalagi sa intensive care unit ng ospital, pumanaw ang dalagita. Kasabay ng pighati at pagsigaw ng hustisya ng pamilya, dagdag hamon para sa kanila kung paano mabibigyan ng maayos at disenteng libing si Cheryl. Tatlumpung libo para sa punerarya, mahigit dalawampung libo para sa paglilibingan at limang libong pisong balanse sa ospital ang kailangan nilang buuin. Bukod pa rito ang kailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek. Pumanaw na rin ang ama ni Cheryl ilang taon na ang nakararaan. Walang trabaho ang kanyang ina at umaasa sa maliit na sustento mula sa isa pang anak. Mahirap man, gagawin daw nila ang lahat para maging maayos ang pamamaalam kay Cheryl.



Sundan ang paghahatid kay Cheryl sa kanyang huling HANTUNGAN ngayong Sabado sa Front Row, 9:45pm sa GMA News TV.
 
Tags: prpost