ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang panata ng mga deboto ng Itim na Nazareno
Taun-taon, tuwing sumasapit ang ika-siyam ng Enero, dinaragsa ng tao ang mga kalye ng Maynila upang masilayan, mahawakan at mahalikan ang imahe ng Itim na Nazareno. Habang ang ilan ay pasasalamat ang sadya sa pista ng Poon, karamihan ng mga dumadalo ay himala ang daing — himala para makaahon mula sa matinding kahirapan, himala para mapagaling ang kaanak na may sakit, himala para maresolusyonan ang kung anu-anong problemang kinakaharap ngayon sa buhay.
Ngunit totoo bang may himalang hatid ang paglapit sa Itim na Nazareno?
“Ang Poon ang tumulong sa akin”

Limang taong gulang pa lamang si Antonio Nacua, ngayo’y 72, nang mamulat siya sa mundo ng mga deboto. Mula nang dalhin siya ng kanyang lola sa simbahan upang mamanata sa mga Poon, naging buo na rin ang pananampalataya niya sa mga ito, lalung-lalo na sa Itim na Nazareno.
“‘Yung may sakit, napapagaling Niya. Ang walang [anuman], nabibigyan Niya ng kaluwagan. Kaya doon ako lumapit,” ani Mang Antonio. “Importante sa akin ang Poong Nazareno dahil Siya ang tumulong sa akin.”
Dekada 60 nang dumaan sa matinding kahirapan ang pamilya ni Mang Antonio. Kahit nakatapos siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho sa ibang bansa, hindi raw talaga maiiwasan ang dumating sa puntong wala na siyang ibang makapitan kundi ang kanyang paniniwala sa Poon.
“Ilang buwan ako noong walang makita [na trabaho],” aniya. “Nung wala talaga akong makitang hanapbuhay, binenta ko na ‘yung bahay ko. Nabenta ko ng mga P580,000.”
“Noong ‘di ko na kaya, tinulungan Niya ako.”
Sa awa naman daw ng Panginoon at sa tulong ng Nazareno, nakapag-ipon siya, nakabili ng jeep na pampasada, at napagtapos pa ang apat na anak na ngayon ay may kanya-kanya na ring pamilya.
“Sa dami ng naranasan kong hirap, pinagtiyagaan ko lahat ‘yun, para mabuhay lang ang mga anak ko,” sabi ni Mang Antonio. “Hanggang kung kailan ako mamatay, mamamanata ako. Habambuhay sa Kanya pa rin ako. Wala nang iba.”
“Second life ko na talaga ito”

Taong 1996 nang madawit sa isang malagim na aksidente si Marisa Cawoili. Habang nagbabakasyon sa Moalboal, Cebu, aksidenteng nahagip ng motor ng bangka ang kanyang buhok at kinain ang malaking bahagi ng kanyang ulo.
“Scalp avulsion [ang nangyari], 90 percent,” ani Marisa. “Sabi na lang sa ‘kin ng doktor, ‘Swerte mo dahil hindi tinangay pati ‘yung sa mata mo’ kasi buo siyang hinatak [ng motor].”
RELATED VIDEO: Ang iba't ibang panata ng mga deboto ng Itim na Nazareno
Tatlong araw na hindi nagising si Marisa matapos ang aksidente, kaya maituturing na raw niyang pangalawang buhay ang tinatamasa niya ngayon. “Isa lang ang isinigaw ko. Sabi ko sa Kanya, ‘Lord, isa pang pagkakataon.’ On that spot, siya na mismo ang gumising sa ‘kin. Simula n’on, sabi ko, ‘Sige Lord, mag-uumpisa na ‘ko,’” aniya.
Nagising man at nakaligtas sa trahedya, hindi naman daw niya natupad ang ipinangakong pamamanata. Taong 2009 nang magsimulang mag-ayuno si Marisa dala ng kanyang asawa na nagturo sa kanyang magpasalamat para sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya.
Puspusan man ang ginawang pananampalataya ni Marisa, nawala rin ang kanyang asawa nang dapuan ito ng colon cancer.
Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin si Marisa sa kanyang panata. “Ang pag-aayuno ko, taun-taon. Hindi ‘yung paghiling ng kung anu-ano, kundi pasasalamat—pasasalamat na binigyan Niya ko ng isa pang pagkakataon at tinanggap Niya pa rin ako [kahit na] hindi ako tumupad,” sabi ni Marisa.
“Ang Panginoon ang nakakapagpagaling ng may sakit”

Isa rin ang pamilya nina Karen Valerio sa milyun-milyong taong dumaragsa sa Quiapo tuwing Pista ng Nazareno. Ang kanilang pakay: humingi ng tulong para sa anak na may sakit.
Isinilang na may cerebral palsy at epilepsy ang 20 anyos na anak ni Karen. Mula nang isilang ito, naging deboto na ng Itim na Nazareno si Karen at ang kanyang asawa. Para sa kanila, pagdarasal at pagpupunas ng bimpo sa Poon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagiging maayos ang kalagayan ng kanilang anak.
Malaki raw talaga ang ikinaayos ng kanilang anak tuwing dinadala ito sa prusisyon. “Minsan hindi nakakatulog itong batang ito,” sabi ni Karen. “Pero kapag hinahaplos ko na ‘yung ulo niya ng langis [mula sa Nazareno], nakakatulog na siya. Hindi ko alam kung bakit.”
Dagdag niya, “Kada may nararamdaman siya o ano pa man, nagsisimba kaagad ako. Nagpupunta ako ng Quiapo. Naiisip ko talaga na ipanata siya lagi.”
Malaking himala para sa pamilya na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kanilang anak. Nabigyan na raw kasi ito ng taning ng doktor noong bata pa ito. “Patotoo ko talaga ito. Totoong buhay ang Diyos. Nandiyan lang Siya lagi, huwag lang lang tayong mawalan ng tiwala sa Kaniya,” ani Karen. “Siya lang talaga ang tutulong, walang iba. Lalung-lalo na ang Poong Nazareno.—Donna Allanigue/CM, GMA News

Tags: webexclusive, nazareno
More Videos
Most Popular