ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Inihahandog ng 'Front Row': 'Kambal ng Futkal"
AIRING DATE: March 31, 2014
AIRING TIME: 11:30 PM, after Saksi

Sa kalye madalas makita para maghanapbuhay ang kambal na sina John Lloyd at David, trese anyos, laking Tondo. Paminsan-minsa’y naglalaro rin sila dito kasama ang kapwa nila batang kalye.
Hanggang nakita ni David ang isang grupo ng mga batang Tondo na naglalaro ng futkal o football sa kalye. Ang grupong ito ang kilalang Futkalero ng Tondo na namayagpag noon sa Homeless World Cup sa ibang bansa. Inalok si David ni Coach Boy para sumali sa grupo. Pangarap ni David na magtrabaho sa ibang bansa habang si John Lloyd naman ay nais maging pulis. Paniwala ni Coach Boy, kung magpapatuloy sa pagpupursige ang mga bata, hindi malayong maabot nila ang kanilang mga pangarap tulad ng mga dating futkalero.
Tunghayan ang kuwento ng kambal ng Futkal na sina John Lloyd at David ngayong Lunes sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA.

More Videos
Most Popular