Abra at Loonie, tampok sa 'Generation Rap' ng 'Front Row'
AIRING DATE: April 7, 2014
AIRING TIME: 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi
Nakikinig lang dati ng hip-hop music ang rapper na si Abra hanggang seryosohin niya ito at sumali sa grupong kilala noon sa kanilang galing sa pagrap. Kinaulaunan, sumali rin si Abra sa mga Flip top battle kung saan naging matunog ang kanyang pangalan hanggang marating niya ang kasikatan dahil sa kanyang mga kanta. Ang hit single niyang “Gayuma”, umabot na ng 26 million views sa Youtube.
Isa sa mga idolo at impluwensya ni Abra sa pag-rap ang isa pang sensational rapper na si Loonie. Nasa elementarya pa lang daw siya nang mahilig sa pagrap hanggang kalauna’y maging miyembro ng Obliterated Rappublic na pinamunuan ng “King of Pinoy Rap”, Francis Magalona. Disi-sais anyos siya nang maging matalik niyang kaibigan si Ron Henley aka Xplisit at sumali sila sa Rappublic of the Philippines bilang “Stick Figgas” sa Eat Bulaga kung saan siya napansin ng “Master Rapper”.
Makipagsabayan sa kanilang tagisan ng salita at palitan ng kataga - sa istilo ng musikang nananatiling buhay sa puso ng mga Pilipino. “Generation Rap” ngayong Lunes, April 7, 2014 sa Front Row, pagkatapos ng Saksi sa GMA.