ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Inihahandog ng 'Front Row': 'Agimat'


AIRING DATE: April 14, 2014
AIRING TIME: 11:30 pm, pagkatapos ng Saksi



Pinaniniwalaang nakapagbibigay ng kakaibang lakas, suwerte at kakayahang makapanggamot. Sa mga nananalig, ito ang kapangyarihang taglay ng mga agimat o anting-anting. Tuwing panahon ng Kuwaresma, sinasabi rin nilang mas lumalakas ang bisa ng mga ito.
 
Ang mag-a-agimat na si Rodel, mahigit dalawampung taon nang umuukit o gumagawa ng mga medalyong aniya’y may agimat o anting-anting. Naniniwala siyang proteksyon ang mga ito laban sa mga kapahamakan o aksidente. Ang mga ito ang malimit gamitin ni Benjo para manggamot ng mga nagpapatingin sa kanya. Mula sapi, kulam hanggang barang – kaya raw niyang labanan. Para mas maging malakas daw ang kanyang kapangyarihan, ang ilan sa kanyang mga anting-anting, hindi lang niya isinusuot bilang medalyon, ibinabaon pa niya mismo sa kanyang katawan. Sa pamamagitan daw nito, hindi siya tinatablan ng talim ng kutsilyo o itak, kahit pa ng mga ngipin ng lagaring bakal!
 
May katotohanan nga ba ang sinasabing hiwaga ng mga agimat at anting-anting? Tuklasin ang mga kasagutan sa Front Row, ngayong Lunes, April 14, 2014 pagkatapos ng Saksi.
Tags: plug