ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang 'Mentalismo' ni Justin Piñon, tampok sa 'Front Row'
AIRING DATE: June 16, 2014 (Monday)
AIRING TIME: 11:30 p.m., after Saksi

“Hindi ako psychic at wala akong kapangyarihan, pero kaya kong basahin ang iniisip ng isang tao”. Ito ang karaniwang sagot ni Justin Piñon kapag may nagtatanong sa kanya kung paano niya nagagawa ang mind reading na tila nananatiling palaisipan sa marami. “Mental Assassin” ang bansag sa kanya dahil kaya niya raw malaman ang nasa isip ng taong kaharap.
Nakakapagmaneho rin daw siya nang nakapiring at nakikita niya maging ang daan sa pamamagitan ng muscle reading o paghawak sa balikat ng kanyang katabi. Kahit nakapiring, kaya rin daw niyang malaman ang serial number ng pera. At kahit naka-blindfold, nalalaman rin daw niya ang mga bagay na hawak ng isang tao kahit hindi niya ito hinahawakan.
Alamin ang mga kuwento sa likod ng mind reading ni Justin Piñon sa “Mentalismo”, ngayong Lunes, June 16 sa Front Row pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: plug
More Videos
Most Popular