ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Ang Kakaibang Karinderia ni Suzuki-san,' tampok sa 'Front Row'


AIRING DATE: June 30, 2014 (Monday)
AIRING TIME: 11:45 p.m., after Saksi



Sa kalye Del Fiero, Tondo, Manila, kakaiba ang karinderia ni Suzuki-san. Sa halip na tipikal na pagkaing Pinoy, sa Suzuki Karinderia, hindi uso ang basta turo-turong ulam. Ang inihahain, mga pamosong pagkain mula Japan. Patok ang miso ramen, california maki at katsudon na inihahanda mismo ng chef na Hapon.
 
Dating mananayaw at mang-aawit sa Japan si Edith. Doon niya nakilala ang asawang si Tosh, isang respetadong chef at negosyante sa Tokyo. Marangya ang kanilang pamumuhay noong una. Yumabong ang negosyo ng pamilya sa pagbebenta ng mga second-hand na sasakyan sa Pilipinas at Russia. Pero kalaunan, nalugi ito. Nagdesisyong tumigil sa showbiz ang anak nilang si Suzuki Sadatsugu na noo’y naging bahagi ng Survivor Philippines. Ang mag-asawa naman, umuwi ng Pilipinas at naisipang balikan ang pagluluto. Mula sa maliit na kainan na inilalako lang nila sa harap ng bahay ng isang kaibigan, ngayon ay may sarili na silang espasyo at limang empleyado.
 
Hindi raw pinapansin noong una ng mga ordinaryong Pinoy na tila hindi sanay sa banyagang panlasa. Pero unti-unti silang nakilala dahil na rin sa masasarap at murang tinitindang authentic Japanese cuisine -- carinderia style! Lasapin ang kakaibang sarap ng mga pagkaing inihahain sa Karinderia ni Suzuki-san sa Front Row, Lunes, Hunyo 30, 2014 pagkatapos ng SAKSI.
Tags: plug