ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Inihahandog ng 'Front Row': 'PAGODA: Ang Muling Paglalayag'


AIRING DATE: July 7, 2014
AIRING TIME: 11.45 p.m., after Saksi



Ika-2 ng Hulyo, 1993… halos tatlong daang katao ang nasawi sa malagim na paglubog ng Pagoda sa Bocaue, Bulacan.
 
Ang taunang selebrasyon para  sa pista ng Mahal na Krus sa Wawa, nauwi sa trahedya.

Sakay ng Pagoda noon ang siyam na taong gulang na si Simbad Manlapig kasama ang kanyang ama at isang kapatid. Mapalad na nakaligtas si Simbad pero  natagpuang wala nang buhay ang labing isa pa nilang kaanak.

Ngayong taon,  muling maglalayag ang Pagoda para ipagpatuloy ang tradisyon ng mga deboto. 


 
Makalipas ang dalawampu’t isang taon, muling sasakay si Simbad sa kabila ng nangyaring trahedya. Masakit man ang pinagdaanang kalbaryo, lalo lang daw nitong pinatibay ang kanyang pananampalataya sa Mahal na Krus sa Wawa.

Samahan ang mga residente ng Bocaue, Bulacan sa “PAGODA: Ang Muling Paglalayag” ngayong Lunes sa Front Row, July 7, 2014, pagkatapos ng Saksi sa GMA.