ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paghilom sa 'Front Row' ngayong Lunes



Masaya ang mag-asawang Edgar at Analisel Mortel, matapos mabiyayaan ng pangalawang anak matapos ang walong taong paghihintay. Dalawang taon at anim na buwan na si Edjanned Grace Mortel ang kanilang bunso.

Private driver si Edgar habang nagtitinda naman ng merienda tulad ng turon, lumpia at lugaw si Analisel para matulungang tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Hirap man ang pamilya sa buhay, masaya na payak na pamumuhay. Ngunit nitong Setyembre nangyari ang hindi inaasahan.


 
Habang naghahanda ang mag-inang Analisel at Grace ng mga pagkaing ilalako, nabuhusan ng isang kawa ng kumukulong arroz kaldo ang bata. Naluto ang halos kalahati ng kanyang katawan. Natuklap ang kanyang balat at nadala ang laman.



Ngayon nahinto sa pagtratrabo si Analisel. Nakatutok siya sa pag-aalaga sa kanyang anak at naghihintay ng Paghilom ng mga sugat nito. Sa ngayon, mayroon lang apat na ospital na may Burn Unit sa bansa. Nasa 35 kama lang ang kapasidad ng bawat isa rito. Kulang na kulang para sa isang bansang mayroong opisyal na populasyon na lumagpas na sa100 milyon.


Tunghayan ngayon Lunes, September 29, 2014 ang kuwento ng Grace at iba pang batang burn victims sa dokumentaryong “Paghilom” sa Front Row ng GMA News and Public Affairs.