ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Magkarugtong, ngayong Lunes sa 'Front Row'

Magkadikit ang dibdib at tiyan, may iisang atay, bagamat magkahiwalay ang kanilang puso at iba pang bahagi ng katawan. Ito ang naging buhay mula pagsilang ng “conjoined twins” na sina Lea at Rachel Awel. Tila itinadhanang mabuhay ng magkadikit at magkasama noong una.

Pero matapos dumaan sa isang maselang operasyon, matagumpay na napaghiwalay sina Lea at Rachel. Ngayon, malaya na silang nakagagalaw at nabubuhay ng normal.
Kasalukuyan silang nasa ika-limang baitang sa elementarya. Magkamukha man at dating magkadugtong ang katawan, lumaki naman silang may ilan ding pagkakaiba.

Kilalanin sina Rachel at Lea Awel ngayong Lunes sa Front Row, October 6, 2014, pagkatapos ng Saksi sa GMA.
More Videos
Most Popular