ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sumpa? ngayong Lunes sa 'Front Row'



Nagsimula sa maliit na sugat, naging bukol hanggang sa lumaki ang kanyang binti at paa. Sa pagpapagamot ni Mang Fidel sa albularyo noon, sinabihan siyang galing daw ito sa kulam. Inisip niyang maaaring totoo ito. Minsan na raw siyang nagkaroon ng kaaway, siya ay isinumpa na bibigyan ng kakaibang sakit. Halos tatlong dekada na niyang iniinda ang karamdaman. 
 
 

Dating truck driver si Mang Fidel. Mula nang dapuan siya ng kakaibang karamdaman, nawalan siya ng regular na trabaho. Ngayon, nagsisilbi siya bilang taga-linis ng isang parokya ng Simbahan.  Lumapit na raw si Mang Fidel sa mga eksperto at manggagamot. Pero hanggang ngayon, hindi raw malinaw ang sanhi ng kaniyang sakit.


Ano nga ba ang dahilan ng paglaki ng mga paa ni Mang Fidel? Alamin ang kasagutan sa ikalawang bahagi ng Halloween Special ng Front Row, ngayong Lunes, October 27 pagkatapos ng Saksi.