ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kulay ngayong Lunes sa 'Front Row'



Sa edad na walong taon, makailang ulit na raw naranasan ni Aliyah ang maging tampulan ng tukso dahil sa kulay ng kanyang balat. Madalas ay tahimik daw siyang umiiyak sa sulok at magsusumbong sa inang si Shahara, isang Amerasian.
 

Masakit daw para kay Shahara na dinaranas din ng kanyang mga anak ang pinagdaanan niyang pagsubok noong bata pa siya. Bukod sa lumiit ang tingin niya sa kanyang sarili, pakiramdam daw niya’y naging hadlang din ito para makahanap siya ng maayos na trabaho. Dalawang taon pa lang si Shahara nang iwan ng amang Amerikano na noo’y nakabase sa Olongapo City.
 

Ngayon, bukod sa kanyang limang anak, siya rin ang nag-aalaga sa kanyang inang nakaratay sa banig ng karamdaman nang minsang ma-stroke.
 

Paano pinaglalabanan ng mga katulad nila ang tila hindi pa rin mawalang diskriminasyon dahil sa kanilang kompleksyon?
 
‘Wag palalampasin ang dokumentaryong “Kulay” sa Front Row ngayong Lunes, November 3, pagkatapos ng Saksi sa GMA!