ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Taning, ngayong Lunes sa 'Front Row'



May stage four cancer ang dose anyos na si Angeline. Sa kasamaang palad, may taning na ang kanyang buhay. 
 

Sampung taong gulang nang nagkasakit si Angeline ng rhabdomyosarcoma, isang uri ng cancer na sa kaso niya ay kumalat na sa laman, buto at baga. Sa tindi ng sakit, kahit munting pagkilos, nababali ang kanyang buto. Dahil sa kaniyang kalagayan, madalas, nakaratay na lang si Angeline.
 

Solong anak nina Merlinda at Tomas si Angeline. Simple lang ang kanilang buhay sa probinsya ng Bulacan. Mananahi ng damit si Merlinda habang ang kanyang asawa naman ay tricycle driver. Hirap man sa buhay, nakakaraos naman daw sila sa araw araw. Mula nang magkasakit si Angeline, napilitang huminto sa pananahi si Merlinda. Naibenta nila ang ilang maliit na lupain para sa gamutan ng anak. Baon na rin sila sa utang.
 
Ngayong Lunes sa Front Row, sundan ang kuwento ng batang si Angeline at alamin kung paano niya nilalabanan ang karamdaman.