ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pilat sa 'Front Row,' ngayong Lunes

Marso 19, 1996 - isang daan at animnapu’t dalawang katao ang nasawi sa malagim na sunog sa Ozone Disco. Karamihan sa mga biktima, mga kabataang nagsipagtapos ng kolehiyo, pero kasamang naabo ang kanilang mga pangarap dahil sa trahedya.

Labimpitong taong gulang noon si Jhunie, miyembro ng grupong Mode Dancers. Nasa kalagitnaan daw sila ng pagsasayaw nang sumiklab ang apoy na noong una’y inakala nilang special effects. Masuwerte siyang nakalabas sa disco house sa pamamagitan ng paggapang. Pero limampung porsiyento ng kanyang katawan ang nasunog. Ang dalawa niyang tenga naman, kinailangang tanggalin dahil sa labis na pinsala. Labing anim sa mga kasamahan ni Jhunie, hindi pinalad at lahat ay nasawi.
Kamakailan, ibinaba ang hatol sa kasong isinampa kaugnay ng nangyaring trahedya. Anim hanggang sampung taong pagkakakulong ang sintensiya sa pitong dating opisyal ng Quezon City at dalawang pribadong indibidwal.

Makalipas ang labing walong taon, naghilom na ba ang mga sakit ng nakaraan? Handa na ba ang mga biktima na igawad ang kapatawaran sa kabila ng matinding pilat na naranasan? Sapat na ba ang iginawad na katarungan?
‘Wag palampasin ang dokumentaryong “Pilat” sa itinanghal na 2014 Asia-Pacific Child Rights Award Winner - Front Row ngayong Lunes, December 1, pagkatapos ng Saksi sa GMA!
More Videos
Most Popular