ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lola Tulak sa 'Front Row'



Animnapu't apat na taong gulang na si Lola Maring. Dito sa isang dipang barong-barong sa Maynila siya naninirahan kasama ang apat na apo, na siya rin ang nagpapaaral at bumubuhay. Daing ni Lola Maring, ni minsan daw ay hindi siya nakaranas ng ginhawa sa kanyang buhay.
 

Ang paghihirap na ito ang nagtulak sa kanya na kumapit sa iligal na gawain. Si Lola Maring ang pinakamatandang lola na 'tulak' sa kanilang lugar. Tulak ang tawag sa mga pusher o drug runner na ang karaniwang binebenta ay bato o shabu, isang lokal na uri ng ipinagbabawal na gamot na metamphetamine. Takot mang mahuli, patuloy pa rin si Lola Maring sa nasabing iligal na gawain. Ito lang kasi ang kanyang alam na pagkakitaan.
 
Tunghayan ang kanyang kuwento sa Front Row, ngayong Lunes 11:45 nang gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7!