Skater Lolo, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“Sporty pa si Lolo”
July 6, 2015, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7
Kalabaw lang daw ang tumatanda... at pagdating sa sports o palakasan—age doesn’t matter din! ‘Yan ang pinatunayan ng 60 anyos na si Alex Albano. Hindi uso sa kanya ang jeep o ibang uri ng transportasyon. Dahil sa kanyang edad... kaya pa niyang humataw gamit ang kanyang skateboard!
Sampung taon pa lang daw si Lolo Alex nang mahilig sa sports. At noong dekada otsenta, skating daw ang naglayo sa kanya sa bisyo gaya ng yosi at alak. Sa araw-araw niyang pag-skate na sinasabayan pa ng ehersisyo at tamang diet, hindi lang siya feeling bagets kundi napangalagaan din maging ang kanyang kalusugan. Bakit nga kaya ganoon na lamang kalapit sa puso niya ang skating?
Kilalanin din ang limampu’t tatlong taong gulang na si Rodel Novicio—ang kinikilalang isa sa mga oldest surfers sa Baler na hindi rin patatalo sa kanyang mga ‘da moves.’
Magpapakitang gilas na sina Lolo Alex at Lolo Rodel sa dokumentaryong ‘Sporty pa si Lolo’ ng Front Row - ang itinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals at nagkamit din ng Gold Camera at One World Award sa US International Film and Video Festival. Lunes, July 6, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.