ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Paghahanap ng isang ina sa nawawala niyang anak, sundan sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
Nasaan si Bunso?
October 19, 2015, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Mahigit isa’t kalahating taon na ang nakararaan mula nang biglang maglaho ang bunsong kapatid ni Elena na si Nathaniel “EJ” Gracilla. Pitong taong gulang siya nang mawala.

Halos lahat na ata ng poste sa Pasig City at maging kalapit bayan nito, napaskilan na niya ng larawan ng bunsong kapatid. Wala din siyang kapaguran sa pag-iikot sa mga presinto, barangay hall at maging sa iba’t-ibang shelter at bahay ampunan. Pero bigo pa rin si Elena hanggang ngayon.

Eksaktong tatlong taon naman mula nang diumano’y kidnapin ang anak ni Jona na si Jose Ja-El Flores. Apat na taong gulang naman siya nang mawala. Ang pinag-aalala ni Jona, may sakit na hika si Ja-El at kailangan ng gamutan. Sa loob ng tatlong taon, wala raw araw na nawala sa kanyang isip ang anak. Napuntahan na rin daw nila halos lahat ng manghuhula, nagbabakasaling makakakuha ng impormasyon kung nasaan ang bunso. Sa tulong ng social media, nakapag-ipon na rin ang pamilya ng reward money sa kung sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Ja-El.
Tunghayan ang kanilang tila walang katapusang paghahanap sa dokumentaryong ‘Nasaan si Bunso?’ sa Front Row - ang itinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals at nagkamit din ng Gold Camera at One World Award sa US International Film and Video Festival. Lunes, October 19, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Tags: plug
More Videos
Most Popular