ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘Apple Boy’ ng Pilipinas, kilalanin sa ‘Front Row’


Apple Boy

Sa isang covered court ng Barangay Dona Aurora, Quezon City nakilala namin si Sarah Mae Mose siyam na taong gulang, kasama ang kanyang anim na kapatid at nanay na si Janeir Mose, matiyagang pumipila at naghihintay. Bagamat nagsisimula palang ang bermonths, nakatanggap na sila ng mumunting regalo -- mga  mansanas o apple.

Tuwing pasko lang daw kasi nakabibili at nakakakain ng apple ang pamilya kaya sinamantala na nila ang pagkakataon na pumunta ng mabalitaan nila na may libreng magbibigay ng apple. Sino nga ba ang nagpapamigay nito? Sino nga ba si RJ Garcia o “Appleboy” at bakit niya ito ginagawa?

Atin siyang kilalanin ngayon Lunes Setyembre 19, 2016 pagkatapos ng saksi sa Front row #appleboy.

Tags: plug