ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kalbaryo ng tinaguriang 'Split Queen' na si Mystica, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“MYSTICA”
October 10, 2016 pagkatapos ng Saksi

 

Binansagan siyang “Split Queen” dahil sa kanyang galing sa paggiling na sinabayan ng kakaibang pag-split. Siya si Mystica o Ruby Cassidy sa tunay na buhay. Sa kasikatang tinamo niya noon bilang performer, naging “recording artist” at endorser din siya ng ilang produkto. Nakapagpundar siya ng mga ari-arian at naging marangya ang kanyang pamumuhay.

 


Pero makalipas ang halos dalawang dekada, iba na ang buhay ni Mystica. Unti-unting naubos ang kanyang mga naipundar. Ang mga mga katulong, alalay at driver na minsang nakapaligid sa kanya, tuluyan na siyang iniwan. Ayon kay Mystica, mas masakit na dahil sa kanyang sitwasyon ngayon, maging ang kanyang mga kamag-anak, tinalikuran na siya.

 


Ang pinakamahirap na dagok na dumating daw sa kanyang buhay, ang pagkakaroon ng malubhang sakit sa atay at puso ng kaisa-isang niyang anak. Dahil sa karamdaman, may taning na raw ang buhay ng kanyang anak.

 


Paano hinaharap ni “Mystica” ang mga pagsubok sa kanyang buhay?

‘Wag palampasin ang Front Row ngayong Lunes, Oktubre 10 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: pr, plug, frontrow, mystica