ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

13 taong gulang na batang may kakaibang kalagayan, tampok sa 'Front Row'


 

Siya ang batang si Zoren, labingtatlong taong gulang.  Pero ang hitsura ni Zoren, malayo sa kanyang edad dahil sa halos buto’t balat niyang pangangatawan.

Bunso sa tatlong magkakapatid si Zoren. Dating masigla at puno ng buhay. Pero tatlong taon na ang nakararaan, unti-unti siyang namayat hanggang tuluyan na siyang hindi nakalakad.

Dahil sa kanyang kalagayan, madalas nakadungaw na lang si Zoren sa bintana ng kanilang kubo. Bawat araw, tinatanaw ang mga taong dumaraan. Patuloy siyang nangangarap na isang araw, muli siyang makalalabas para maglaro at mag-aral.

‘Wag palampasin ang kuwento ng pagsubok at pag-asa sa buhay ng “Bata sa Bintana” ngayong Lunes sa Front Row, December 5, 2016, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug