ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang nangangaroling gamit ang violin at piano, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“Musika sa Isla”
Lunes ng gabi, December 26 pagkatapos ng Saksi sa GMA
 
 
 
Sa bayan ng Mogpog, Marinduque, isang grupo ng mga kabataan ang may pambihirang talento sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumento gaya ng violin, cello at piano. Sila ang mga batang nasa likod ng Musika sa Isla.
 
 
Sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan, umiikot sila sa iba’t ibang lugar sa probinsiya para mangaroling. Isa sa mga miyembro ng grupo ang labingdalawang taong gulang na si Althea Mhae Malinao. Sa kanyang murang edad, ang pagtugtog ng musika ang naisip niyang paraan para makatulong sa mga magulang.
 
 
Sumabay sa himig kapaskuhan ng mga kabataang nasa likod ng “Musika sa Isla” sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, December 26 pagkatapos ng Saksi sa GMA!
Tags: plug