ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang sumasakay ng kabayo papasok ng paaralan, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“Batang Kabalyera”
Lunes ng gabi, January 9, 2017 pagkatapos ng Saksi sa GMA
 
 

Ang magkapatid na sina Bea at Heart, nasa ikatlo at ika-limang baitang, hindi aso o pusa ang kinalakihang alaga. Ang kasa-kasama nila sa pag-akyat at pagbaba ng bundok—ang sampung taong gulang na kabayong si “A-plus”.

Kuwento ng kanilang amang si Oliver, ipinangutang niya pa ang siyam na libong pisong ipinambili noon kay A-plus. Mula raw noon, halos anak na kung ituring nila ang kabayo. Hindi naglaon, kapatid na rin kung ituring siya ng mga bata at sa murang edad, natuto na rin silang sumakay at magpatakbo nito.

Si A-plus ang katuwang nila sa pagdadala ng mga gulay na itinitinda nila sa itaas ng Mt. Talamitam sa Nasugbu, Batangas kung saan maraming mountaineer ang dumarayo araw-araw.

Bagamat tumutulong sa pagbabantay ng tindahan at iba pang gawain sa bukid, hindi nakalilimutan nina Bea at Heart ang kanilang pag-aaral. Sa katunayan, si A-plus na rin ang “school service” nila para hindi mahuli sa klase.

Kilalanin ang mga “Batang Kabalyera” ngayong Lunes sa "Front Row," January 9, 2017, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

 

Tags: plug