Transpinay beauty queen, tampok sa 'Front Row'
Korona ng Kagandahan

Painit na ng painit ang Ms. Universe 2016 na gaganapin sa Pilipinas sa Lunes. Inabaangan ng bayan at maging ng buong mundo.

Hindi matatawaran ang mga nakamit na karangalan ng Pilipinas sa larangan ng kagandahan sa iba't ibang Beauty Pageant. Hinirang na pinakamagandang babae sa buong kalawakan si Pia Alonzo Wurtzbach noong Disyembre 2015. Kaya naman hinangaan siya hindi lang ng mga babae kundi pati ng mga transpinay.
Isa na rito si Ren-Ren o Georgette Alonzo, 27 taong gulang, isang masugid na taga-hanga ni Ms. Universe 2015 – Pia Wurtzbach.

Sa tuwing siya ay rarampa sa entablado, Pia Wurtzbach na ang kanyang ginagaya, mula sa kanyang itsura hanggang sa kanyang kasuotan. Dumarayo pa raw siya sa iba't ibang lugar para makasali sa beauty pageant. Nakatutok din siya sa pagpasa ng Korona ng ating Miss Universe na Si Pia Wurtzbach. Tunghayan ang kanyang karera sa pagkamit ng Korona ng Kagandahan sa Lunes January 30, 2017.