ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Guro na may kapansanan sa paningin, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row…
“Tanglaw sa Dilim”
February 6, 2017
Pagkatapos ng Saksi sa GMA

Araw-araw, kasama ni Teacher Helen ang kanyang kapatid papasok sa paaralan. Apat na taong gulang siya nang magkasakit at halos aninag na lang ng mga kulay ang nakikita. Dahil sa tuluyan nang nabulag noong 1996, kailangan siyang gabayan sa pagsakay sa tricycle at jeepney para ligtas na makarating sa Taal Central School sa Batangas.

Sa kanyang pagtuturo, si Teacher Helen naman ang nagsisilbing tanglaw sa kanyang mga estudyanteng hindi rin nakakakita at visually impaired. Matiyaga silang ginagabayan ni Teacher Helen sa pamamagitan ng brail. Dinadalaw niya sila maging sa kanilang mga bahay para doon magturo. Bukod dito, aktibo rin sa komunidad si Teacher Helen bilang pangulo ng isang organisasyon para sa Persons with Disabilities o PWD.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Teacher Helen bago naging isang ganap na guro. Kinailangan niyang mag-aral sa Maynila kasama ng mga kamag-aral na malinaw ang paningin. Sa kabila nito, naging consistent honor student siya mula elementarya. Kaya naman ngayong nabigyan siya ng pagkakataong ibahagi ang kaalaman sa iba… masaya siya sa bawat araw na siya naman ang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga estudyante.

Sa mga mata ni Teacher Helen… walang imposible.

Alamin ang kahanga-hanga niyang kwento sa dokumentaryong “Tanglaw sa Dilim” ngayong Lunes sa Front Row, February 6, 2017, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug