Mga batang nangangalakal ng bomba, tampok sa 'Front Row'
FINALIST
2017 NEW YORK FESTIVALS
HUMAN CONCERNS CATEGORY
Inihahandog ng "Front Row"
Batang Bomba
March 27, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa isang liblib na sitio sa Capas, Tarlac, nakatira si Mariel, isang labintalong taong gulang na kabataang Aeta. Masayahin, masipag at matulunging bata. Simple lang ang kanilang buhay, nagtatanim ng iba't ibang gulay at nangangalakal.

Masaya at tila walang iniindang takot ang mga kabataan sa tuwing nakaririnig sila ng bomba na pinapasabog ng militar sa gitna ng isang buhanginan -- ang Tarlac Military Testing Ground, hindi kalayuan sa kanilang tinitirhan. Hindi tulad ng kalakal na plastik at bakal ang kanilang kinukuha, kundi mga kalakal na bomba. Kapalit ng kaunting halaga mula sa bomba, nakabibili raw sila ng pagkain at nakapag-iipon ng pera para sa kanilang pag-aaral.

Tunghayan ang kanilang kuwento sa "Front Row," Lunes, Marso 27, 2017, pagkatapos ng Saksi.