ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang fire dancer, tampok sa 'Front Row'


GOLD WORLD MEDAL
2017 NEW YORK FESTIVALS
HUMAN CONCERNS CATEGORY

(Photo Caption, From L-R: Joseph Conrad Rubio - Executive Producer of Front Row, Eumer Yanga – Researcher of Front Row, Ian Simbulan – Producer/Director of Front Row were in Las Vegas, Nevada at the 2017 New York Festivals to receive

Front Row’s Gold World Medal in the Human Concerns category. Its winning episode, “Bata sa Bintana”, featured the story of 13-year-old boy Zoren whose health conditions rendered him so weak that his contact to the outside world was only through their window.

Inihahandog ng Front Row
“SALIW NG APOY”
May 1, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa bayan ng Candaba, Pampanga, maagang nasanay ang ilang kabataan sa pagsasayaw gamit ang apoy. Kung papanoorin, tila naglalaro lang sila habang bitbit at isinasayaw ang mga kagamitang lumillikha ng apoy.

Kabilang sa miyembro ng K-Just Movers ang labing limang taong gulang na si Justine Gamboa. Isa siya sa pambato ng grupo sa mga sinasalihan nilang dance contest sa iba’t-ibang barangay.   Pangarap daw kasi niyang makilala ng bansa at ng mundo ang kanilang mga talento.

Pinakabata naman sa grupo ang labing-isang taong gulang na si Tricia Mei Villalobos. Nagsimula raw siya bilang tagahanga ng grupo hanggang sa mahikayat siyang sumali at at matutong magsayaw gamit ang apoy. Pero kahit abala sa pagsasayaw si Tricia, hindi niya napapabayaan ang pag-aaral. Katunayan, isa siya sa mga pinarangalan sa kanilang klase ngayong taon.

Mamangha sa kanilang talento at pagpupursige para sa kanilang mga pangarap sa dokumentaryong “Saliw ng Apoy”, sa Front Row – ang itinanghal na Gold World Medalist (Human Concerns Category) sa prestihiyosong 2017 New York Festivals ngayong Lunes ng gabi, May 1 pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug