ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga scubasurero, tampok sa 'Front Row'


GOLD WORLD MEDAL
2017 NEW YORK FESTIVALS
HUMAN CONCERNS CATEGORY
Inihahandog ng Front Row
“SCUBASURERO”
July 3, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Philippines’ last ecological frontier, ito ang bansag sa Palawan. Dito rin matatagpuan ang Tubbataha Reef na idineklarang UNESCO World Heritaga Site. Kaya naman mahalaga para sa grupong SCUBASURERO na maprotektahan at maalagaan ang yamang-tubig na nakapaligid sa probinsya. Isa sa mga aktibidad na ginagawa nila: ang pagsisid sa karagatan para pulutin at kolektahin  ang mga naipong basura sa ilalim.

Isa sa mga volunteer diver si Cedella Morato na nagmula sa pamilya ng mga diver sa Palawan. Bata pa lang, nahilig na sa pagsisid sa dagat si Cedella. Isa nga raw siya sa pinakabatang diver na nakarating ng Tubbataha Reef. Kaya malapit daw sa kanya ang hangarin ng grupo. Isa rin sa mga Scubasurero si Segundo Conales, halos dalawang dekada nang marine park ranger sa Palawan. Ayon sa kanya, nakababahala na raw ang paparaming basura sa ilalim ng karagatan. At ang mga clean-up drive na ginagawa daw nila, kahit maliit sa simula, tiyak na malaki ang magiging resulta sa hinaharap.

Sa isang buong araw nilang pagsisid sa isang bahagi ng Puerto Princesa, umabot sa mahigit 80 kilo ang kanilang nakolektang basura. Kasama na rito ang ilang plastic, bote, lambat, lumang damit at maging lumang radyo.

Samahan ang grupo ng kabataang ito sa kanilang walang pagod na pagsisid sa karagatan ng Palawan para mapanatili ang angking ganda at linis nito sa dokumentaryong “Scubasurero”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, July 3 pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug