ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Traffic enforcer na walang hita at binti, kilalanin sa 'Front Row'


Gold World Medal, 2017 New York Festivals
2-Silver Screen Awards, United States International Film and Video Festivals 

Inihahandog ng Front Row
“KUMPAS NI ONKOL”
July 10, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa Barangay Kasambagan, Cebu City, agaw-pansin si Magdalino “Onkol” Borces. Sa kabila ng kapansanan, napahanga niya ang mga motoristang napapadaan.

Maliit ang mga braso, walang hita at mga paa pero maayos na nagagampanan ng limampu't siyam na  taong gulang na traffic aide na si "Onkol" ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko.

Ipinanganak na may kapansanan si Onkol. Mag-isang naninirahan sa isang maliit na tirahan, wala siyang asawa at anak pero may  pamangkin namang nag-aasikaso sa kanya. Bagamat hindi kumpleto ang ilang bahagi ng kanyang katawan, buo naman ang  dedikasyon ni Onkol na magbanat ng buto at makatulong sa pagsasaayos ng trapiko sa kanilang lugar.

Sundan ang kanyang kuwento sa "Front Row" ngayong July 10, Lunes ng gabi pagkatapos sa Saksi sa GMA!

Tags: plug