Batang palaboy na nag-aaral sa kalsada, tampok sa 'Front Row'
GOLD WORLD MEDAL
2017 NEW YORK FESTIVALS
Inihahandog ng Front Row
“LIWANAG NG PAG-ASA”
August 14, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa bangketa na lumaki ang walong taong gulang na si Marilyn Rosos at ang kanyang pamilya. Dito na sila naliligo, kumakain, naghahanapbuhay at natutulog.
Bagamat hikahos sa buhay, buo ang determinasyon ni Marilyn na ipagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kaniyang mga magulang. Kahit walang kuryente sa tinutuluyan nilang bangketa, naghahanap siya ng paraan para makapag-aral kahit gabi. Sa tulong ng liwanag mula sa ilaw ng poste, matiyagang nag-aaral si Marilyn.
Sundan ang kaniyang kuwento sa dokumentaryong “Liwanag ng Pag-asa” sa Front Row, ngayong Lunes ng gabi, August 14 pagkatapos ng Saksi.