ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Front Row

Lalaki, masipag na nagtatrabaho sa kabila ng malalaking bukol sa likod


GOLD WORLD MEDAL, 2017 NEW YORK FESTIVALS
FINALIST, JAPAN PRIZE 2017

“PASAN NI JONIE”
October 2, Lunes ng gabi,
pagkatapos ng Saksi sa GMA

Lumaking hirap magsalita at may bukol sa likod ang labimpitong taong gulang na si Jonie Sena. Pero sa kabila nito, wala siyang tigil sa pagkayod para matulungan ang kanyang pamilya.

Paggising sa umaga, maghahanda na siya para sumama sa mga mangingisda sa kanilang lugar. Pagbalik sa pampang, mag-iigib at magbubuhat naman siya ng galon-galong tubig at ihahatid sa kanilang mga kapitbahay. 

Hindi rin hadlang ang kanyang kondisyon para ipagpatuloy ang pag-aaral. Kahit hirap at kaiba sa kanyang mga kaklase, pinipilit ni Jonie na matuto. Hindi na lang daw niya pinapansin ang mga nangungutya sa kanya.

Dahil sa hirap ng buhay, hindi na naipatingin pa sa doktor si Jonie. Kaya kapag sumasakit ang kanyang likuran, hinihilot na lang siya ng kanyang amang si Mang Jose.

Mamangha sa kwento ng katatagan at kasipagan ni Jonie para sa pamilya sa dokumentaryong “Pasan ni Jonie”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, October 2, 2017 pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug