ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaki na may tatlong rare diseases, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“KUYA”
Lunes ng gabi, November 20 pagkatapos ng Saksi

“Kuya” kung siya ay tawagin sa bahay at eskuwela. Siya si Justin. Sa kanyang laki at hitsura, hindi aakalaing 19 na taong gulang na siya. Nasa 35 pulgada lamang o halos tatlong talampakan lamang ang kanyang taas.

Taglay ni Justin ang Hallerman-Streiff syndrome si Justin, isang kondisyong ng pagkakaiba ng hugis ng bungo at hugis ng mukha, problema sa paningin, hindi pagtangkad, at iba pa. Maliban dito, mayroon din siyang Kawasaki Disease at hypothyroidism.

Maliit at mahina man ang pangangatawan at halos hindi na nakakakita, pilit pa rin ni Justin pumasok sa paaralan at mabuhay nang normal.

Kasalukuyan siyang nasa Grade 7. Hinding-hindi raw niya ititigil ang pag-aaral para makamtan ang kanyang mga pangarap para sa sa sarili at pamilya.

Sundan ang nakakapukaw na kuwento ni Justin sa Front Row sa November 20, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA!

Tags: plug, frontrow, kuya