Grupong namimigay ng bibingka at puto bumbong tuwing Pasko, kilalanin
Bibingka't Puto Bumbong

Laki sa hirap ang 31 taong gulang na si Reymond Magdato. Sariwa pa raw sa kanyang alaala ang kasalatan nila sa buhay sa Occidental Mindoro noong bata pa siya kasama ang kanyang mga magulang at walong kapatid. Madalas kapos daw sila sa pagkain at ang mga okasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon, hindi na halos nila ginugunita.

Kaya naman ng maigapang ni Reymond ang sarili upang mapakapagtapos sa kolehiyo at magkaroon ng maayos na trabaho sa Maynila, naipangako niya na hindi siya makakalimot at laging tutulong sa kanyang kapwa. Nagtayo si Reymond ng isang foundation na tumutulong sa mga kabataang matalino ngunit salat sa buhay.

At ngayong Pasko tulad ng mga nakaraang Pasko, naisipan nilang magpakain ng Bibingka't Puto Bumbong para sa mga batang lansangan.

Tunghayan sa "Front Row" ngayong December 18, 2017 pagkatapos ng Saksi.