ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wonder lolo ng Maynila, babalikan ng 'Front Row'


“ANG TANGING YAMAN NI WONDER LOLO”
January 15, 2018
Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Taong 2015 nang unang ibahagi ng Front Row ang kuwento ni Lolo Alfredo Manuel. Sa kabila ng kanyang edad na halos sitenta anyos, matalas pa rin ang kanyang memorya. Kabisado niya ang scientific name ng iba’t ibang halaman at bulaklak at ang kanyang “photographic memory”, talaga namang nakamamangha rin.

Pero noong Disyembre, 2016, naaksidente si Lolo Manny sa Maynila matapos siyang mabundol ng motorsiklo at iniwan siyang nakahandusay sa kalsada.

Dahil sa nangyaring aksidente, hindi na nakakalakad si Lolo Manny. Kung dati’y araw-araw siyang nagbebenta ng dyaryo at namamasura, ngayon, madalang na niya itong gawin. Humina ang kanyang katawan pero patuloy pa rin siyang nagbabasa ng mga libro dahil naniniwala siyang ito lamang ang  tangi niyang yaman.

Kumustahin ang kalagayan ni Wonder Lolo sa "Front Row" ngayong Lunes, January 15 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: plug