Mga lola na walang tirahan at kasama sa buhay, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“Sa Kanlungan ni Maria”
March 19, Lunes ng gabi
Pagkatapos ng Saksi sa GMA
Sa Kanlungan ni Maria Home for the Elderly, kinukupkop at kinakalinga ang mga matatandang walang tirahan at kasama sa buhay.

Dito tatlong mga lola na malapit sa isa’t isa ang aming nakilala.

Bago sila nagkakilala sa Kanlungan, iba-iba ang mga pinagdaanan nina Josefina Oblegacion Arellano o Lola Pina, Lola Elisa Fulgar, at Ronnie Mahusay o Lola Annie. Si Lola Pina, palabiro at may talento sa pagpapatawa. Tahimik at mahiyain si Lola Elisa at kikay naman si Lola Annie, pareho silang nawalan ng mga magulang at lumaking mga ulila. Magkakaiba man ang kanilang kuwento, pare-parehong silang pinaglapit sa Kanlungan.

Sundan ang kuwento sa "Front Row," Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA!