ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Buhay ng mga binatilyong nanghuhuli ng bayawak, sisilipin sa 'Front Row'


 

Tapos na ang pasukan at bakasyon na para sa maraming kabataan. Pero para sa ilan, panahon ito ng pagtatrabaho upang makatulong nang kaunti sa pamilya. May kanya-kanyang diskarte para kumita sina "Mike," 13, "Yan," 17, "Kris," 9, at "John," 12.  Noong nakaraang taon, may natutunan silang panibagong paraan upang kumita mula sa kanilang mga nakatatandang kaibigan at kamag-anak - ang manghuli ng bayawak.

Natuto ang barkadang gumawa ng bitag mula sa kawayan. Manghuhuli sila ng palaka o bibili ng lamang-loob ng isda o manok at iiwan bilang pain. Isang araw, sinubukan itong gawin ulit ng barkada, pero kinagulat nila ang naging resulta.

Tags: plug