ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Batang magbubukid, kilalanin sa 'Front Row


“FARM BOY”
May 7, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa bayan ng General Luna sa Quezon, maghapon kung magtrabaho sa niyugan ang labing-isang taong gulang na si Wiljohn. Nasa pangangalaga ng kanyang lola si Wiljohn at kusang-loob siyang tumutulong sa mga gawain.

Halos lahat ng trabaho sa kanilang sakahan gaya ng pagpapakain sa mga alagang hayop, pagsasaka ng niyog at panghuhuli ng makakain sa ilog, walang pagod niyang ginagawa. 

Ipinakita rin niya ang isa sa pinakaiingatan niya, ang kanyang alkansya. Nag-iipon kasi siya para may maipambili ng gamit sa darating na pasukan. Kaya anumang ibigay sa kanyang barya ng kanyang lola, dito na niya inihuhulog.

Abangan ang kuwento ng “Farm Boy,” sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, May 7, 2018 pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: plug