ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking kinulong sa bahay na kahoy, tampok sa 'Front Row'


“Kadenang Kahoy”
May 28, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi

Sa isang liblib na lugar sa Barangay Bulawan, Katipunan, Zamboanga del Norte, nakatira si "Ben."

Tulala, nagsasalita mag-isa at ngumingiti kahit pa nakaipit ang isang paa sa siwang ng dalawang kahoy sa kanyang kulungan. Tila isa itong "pillory" o kadenang kahoy na pumipigil para hindi siya makawala at lumaboy.

Nilagang saging, niyog at sinaing na mais ang kanyang kinakain. Tanging ang mga siwang sa mga kahoy ang nagsisilbing bintana niya para matanaw ang mundo sa labas.

Labing pitong taon na raw siyang ikinukulong ng kanyang mga kamag-anak, ito na raw kasi ang kanilang naisip na gawin, upang hindi mawala, makapanakit at kanilang maalagaan si Ben.

Ano nga kaya ang nangyari sa kanya? Tuluyan na kaya siyang mananatili sa kulungan ng kanyang isipan? Tunghayan ang kuwento ni Ben sa Front Row ngayong May 28, 2018.

Tags: plug