ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking street musician, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“LIBRO AT GITARA” 
July 9, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa mga gilid ng kalsada, underpass at kung saan-saan pa, agaw-pansin ang pagtugtog ng gitara at pagkanta ng dalawampu’t tatlong taong gulang na si Martin Riggs.

‘Di alintana ang tingin ng iba na tila siya ay namamalimos,  dito piniling ibahagi ng Martin Riggs ang kanyang musika.

Kahit tumutugtog sa kalye, nag-aaral pa rin si Martin. Kasalukuyan siyang fourth year Mass Communication student sa Adamson University.

Pangarap ni Martin na magtapos ng abogasya.

Bakit nga ba nasa kalye at tumutugtog si Martin?

Sundan ang kanyang kuwento sa dokumentaryong “Libro at Gitara” sa Front Row ngayong July 9, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA!