'Lolo Maestro' ng Aklan, kilalanin sa 'Front Row'

INIHAHANDOG NG FRONT ROW
LOLO MAESTRO
March 11, Lunes pagkatapos ng Saksi
Edad 91 taong gulang na si Lolo Gonzalo Maravilla. Pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang kapaguran sa pagtuturo.
Sa Madyaas Institute sa Numancia, Aklan, nagtuturo pa rin ng high school si Lolo.
Halos pitumpung taon na siyang nagtuturo ng Geometry, Physics at Trigonometry.
Taong 1950 nang magsimula siyang magturo bilang guro at hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan. Kaya naman halos lahat ng taga-Numancia naging estudyante ni Lolo Gonzalo. Katunayan ang dati niyang estudyante noon principal na niya ngayon sa paaralan.
Alamin ang sikreto ni lolo Gonzalo sa kanyang mahabang buhay na paglilingkod bilang guro sa "LOLO MAESTRO" sa Front Row ngayong March 11 pagkatapos ng Saksi!